Opinions – Opinion No. 08-10RE : Dividends

Republic of the Philippines
Department of Finance

Securities and Exchange Commission
SEC Bldg. EDSA, Greenhills, Mandaluyong City

OFFICE OF THE GENERAL COUNSEL

27 March 2008
SEC-OGC Opinion No. 08-10
Re: Dividends

GINOONG VICENTE C. RAMIREZ
Unidad, Cagwait
8304 Surigao del Sur

G. Ramirez:

Ito ay sagot sa inyong sulat na may petsang Nobyembre 19, 2007 kung saan kayo
ay nagtatanong kung maari kayong makatanggap ng dividend mula sa Aras-Asan Timber
Company, Inc. Kung inyong natatandaan, ang sulat ay inyong ipinadala sa Department
of Justice (DOJ) ngunit ito ay inindorso dito sa amin sa Securities and Exchange
Commission (SEC).

Ayon sa inyong salaysay, noong Disyembre 1972, binigyan kayo ng naturang
kompanya ng shares na pinapatunayan ng inilakip ninyo sa inyong sulat na kopya ng
Stock Certificate No. 2400. Noong taong 1973, nakatanggap kayo ng dividend na
nagkakahalaga ng Tatlumpu’t Sivam na Piso at Labimpitung Sentimo (Php 39.1 7) kada
buwan. Sa taon ding iyon, binabawi ng kompanya ang nasabing Stock Certificate subalit
hindi ninyo ito isinurender. Mula noon, hindi na kayo nakatangagap ng dividend.

Ayon sa ating batas, ang pwede lang pong tumanggap ng dividend mula sa isang
korporasyon ay iyong mga stockholders of record. \kaw ay isang stockholder of record pag
ang lyong pangalan ay nakatala sa Stock and Transfer Book ng korporasyon bilang isa sa
mga stockholders nito. Kung hindi, sa mata ng korporasyon, hindi ka nito stockholder at
wala kang karapatang tumanggap ng dividend mula rito.

Batay sa inyong kuwento, kayo ay stockholder of record ng nabanggit na
Korporasyon noong 1973 dahil binigyan kayo ng dividend noong mga panahong iyon.
Ngunit hindi na tayo nakasisiguro kung kayo ay kinikilala pa ng kompanya bilang
stockholder of record, \alu pa’t nagkaroon kayo ng problema tungkol sa pag-surrender ng

inyong Stock Certificate. Sa katunayan nga ay hindi na kayo binigyan pa ng dividend
simula noon.

Bunsod nito, nararapat ninyong buksan at siyasatin ang Stock and Transfer Book

_ fig Aras-Asan Timber Company, Inc. upang malaman kung kayo ay nakatala pa doon

bilang stockholder.

Kung hindi na kayo nakalista sa Stock and Transfer Book bilang stockholder ngunit
may pinanghahawakan kayong dokumento o ebidensya ng karapatan, dapat inyo nang
idulog sa korte ang problema. Sa kabilang banda, kapag ang pangalan ninyo ay
nandoon pa sa Stock and Transfer Book, kayo ay pwede pang tumanggap ng dividend.

Pero dapat po nating tandaan na hindi dahil ang isang tao ay isang stockholder of
record ay automatic na siyang makakatanggap ng dividend. \to ay sa dahilang kailangan
munang magdeklara ng dividend ang Board of Directors ng isang korporasyon.

Ayon sa Seksyon 43 ng Batas Pambansa Blg. 68 0 ang ating Corporation Code,
nakasalalay sa desisyon at diskresyon ng Board of Directors ang pagdeklara ng dividend
na maaari lamang gawin kung may sapat na kita ang korporasyon o ang tinatawag na
unrestricted retained earnings. Samakatwid, ang deklarasyon ng dividend ay posibleng

hindi taon-taun magawa.

Ngunit isinasaad din sa naturang Seksyon 43 na kapag ang kita ng isa
korporasyon ay lumagpas ng higit sa isang daang porsiyento ng paid-up capital it
nararapat magdeklara ng dividend ang Board of Directors. Kung hindi, pwede nin
ireklamo dito sa SEC ang korporasyon para Sa pagpapataw ng karampatang ar

multa.

Nawa’y natugunan namin ang inyong tanung.

SENDER

ADDRESS
CASE NO.
DOCUMENT
ADDRESSEE
RECEIVED BY / Bate


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *